Ayon sa ulat ng media ng Hapon, nang idaos sa isang templo ng Koya Mountain, Wakayama Prefecture, ang seremonya bilang pakikidalamhati sa mga kriminal ng World War II, noong Abril ng kasalukuyang taon, nagpalabas si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, sa ngalan ng Presidente ng Liberal Democratic Party, ng nakasulat na talumpating nagsasabing nagsakripisyo ang mga kriminal ng kani-kanilang buhay para sa pundasyon ng kaunlaran ng inang bahay.
Nang sagutin kahapon ang tanong ng mamamahayag tungkol dito, sinabi ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang tumpak na pakikitungo at malalimang pagsisisi ng Hapon sa kasaysayang mapanalakay nito, at paglayo sa militarismo ay mahalagang pundasyon ng muling pagtatatag at pagpapaunlad ng Hapon ng relasyon sa mga kapitbansang Asyano. Aniya, hinimok ng Tsina ang panig Hapones na totoong sundin ang pangako sa pagsisisi sa kasaysayang mapanalakay, at matamo ang pagtitiwala ng mga kapitbansang Asyano at komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera