Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tandaan ang kasaysayan para maiwasang maulit ang digmaan: komentaryo sa anibersaryo ng WWII

(GMT+08:00) 2014-08-15 14:53:17       CRI

Animnapu't siyam (69) na taon na ang nakaraan sapul nang walang pasubaling sumuko ang Hapon noong ika-15 ng Agosto, 1945. Ito ang hudyat ng pagtatapos ng World War II (WWII).

Bilang paggunita sa pangyayaring ito, nagpalabas ngayong araw ng isang komentaryo ang ipinalabas ng People's Daily, opisyal na pahayagan ng naghaharing Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Hiniling ng komentaryo sa komunidad ng daigdig na tandaan ang kasaysayan para maiwasang maulit ang trahediya ng digmaan.

Sinipi ng komentaryo ang sinabi ni Richard von Weizsacker, dating pangulo ng Alemanya, tungkol sa pagsisisi sa kasaysayan. Sinabi ni Weizsacker na ang araw ng pagkatalo ng Alemanya noong WWII ay masasabing araw ng kalayaan ng bansa kung kailan nakahulagpos ito sa paghahari ng Nazi. Ito rin aniya, ay ang araw na nakahulagpos ang Hapon sa galamay ng militarismo.

Ipinakikita rin ng komentaryo ang pangangamba sa katapatan ng administrasyon ni Shinzo Abe ng Hapon sa pagsisisi sa kasaysayang mapanalakay ng bansa.

Anang komentaryo, ang di-pag-amin ng Hapon sa pangangalap ng comfort women mula sa ibang bansang Asyano; at di-pag-amin sa Nanjing Massacre, kung saan mahigit 300,000 sibilyan at disarmadong sundalong Tsino ang pinaslang ng tropang Hapones ay nagpapakita ng paghamak ng administrasyon ni Abe sa katotohanang pangkasaysayan at sa mga batas na pandaigdig.

Sinabi rin ng komentaryo na mapanganib ang paglakas ng makakanang puwersa ng Hapon na nagsusulong sa pag-alis ng pagbabawal sa karapatan ng collective self-defense at nagtatangkang susugan ang Konstitusyong Pangkapayapaan. Nagdudulot anito ang nasabing aksyon ng Hapon ng panganib sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>