Sinabi kahapon ni Huang Yuan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng China ASEAN Exposition o CAEXPO, na ang bilang ng mga kalahok sa ika-11 CAEXPO ay naging rekord sa kasaysayan.
Sinabi rin niya na handa na ang mga gawaing paghahanda para sa nabanggit na perya na bubuksan sa ika-16 ng buwang ito sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog ng Tsina.
Upang pasulungin ang kooperasyon at pamumuhunan ng Tsina at mga bansang ASEAN, idaraos din sa CAEXPO ang mga espesyal na porum hinggil sa mga produkto na gaya ng bigas at palm oil.