Ipinalabas kahapon ng World Economic Forum ang "Global Competiveness Report 2014-2015." Ayon sa ulat, ang pagtaas ng kakayahang kompetetibo ng mainland ng Tsina ay dahil sa mainam na kapaligiran para sa inobasyon.
Ipinahayag ni Margareta Drzeniek Hanouz, Senior Director and Head of the Global Competitiveness Network at the World Economic Forum na may maraming bentahe ang Tsina, halimbawa, maliit ang treasury bond, mababa ang implasyon. At ang malaking pamilihan ay isa pang bentahe ng kabuhayan ng Tsina. Tinukoy ng ulat, ang mainland ng Tsina sa kasalukuyan ay hindi lamang isang base pinagmumulan ng mura at labor-intensive products, kailangan lumikha ito ng pagkakataon para sa paghahanap-buhay na profession oriented para pangalagaan ang tumataas na lebel ng pamumuhay.
salin:wle