Premiyer Li:"Buong tatag na igigiit ang reporma at pagbubukas sa labas"
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng "2013 Summer Davos," sa Dalian, probinsya ng Liaoning, sinabi kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng reporma at pagbubukas sa labas. Dapat aniyang buong tatag na pasulungin ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas para puspusang mapasigla ang pamilihan.
Sinabi ng premyer Tsino na ang reporma at inobasyon ay sustenableng puwersa para sa pag-unlad ng isang bansa. Ang kasalukuyang pinakamahalagang gawain ng pamahalaan ay puspusang pagpapasulong ng reporma sa sistema ng pangangasiwang administratibo, at ang nukleo nito'y baguhin, at pabutihin ang serbisyo ng iba't-ibang organo ng pamahalaan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng