Hinimok kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Hapon na itigil ang panghihimasok sa soberanya ng Tsina.
Sa isang regular na preskon, sinabi ni Hua na ang Diaoyu Islands na unilateral na isinali ng Hapon sa pambansang teritoryo nito dalawang taon na ang nakaraan, ay teritoryo ng Tsina. Ipinagdiinan niyang may kakayahan ang Tsina na pangalagaan ang kabuuan ng teritoryo ng bansa. Nagsasagawa aniya ang China Coast Guard (CCG) ng regular na pagpapatrolya sa paligid ng Diaoyu Islands, at kahapon ay ginawa nito ang pinakahuling pamamatrolya.
Hinimok din niya ang Hapon na magsagawa ng praktikal na aksyon para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.