TOKYO, Hapon--Ipinahayag kahapon ni Hatoyama Yukio, dating Punong Ministro ng Hapon ang kanyang kalungkutan sa kasalukuyang relasyong Sino-Hapones.
Sa isang symposium, tinukoy ni Yukio na sa kasalukuyan, kailangang magkasamang magsikap ang Hapon at Tsina para malutas ang isyu ng kapaligiran na kapuwa nila kinakaharap. Pero, aniya pa, dahil sa pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine ni Punong Ministro Shinzo Abe at isyu ng Diaoyu Islands, hindi na natupad ang nasabing misyon.
Idinagdag pa ng dating punong ministrong Hapones na kung isasa-alang-alang ang mainam na relasyon ng Tsina at Hapon sa kanyang panunungkulan, masasabing ang administrasyon ni Abe ay kailangang managot sa kasalukuyang di-normal na relasyon ng Tsina.
Ipinagdiinan niyang sa kabila ng di-normal na pagpapalitan ng dalawang pamahalaan, napapanumbalik ang pagpapalitang di-pampamahalaan ng dalawang bansa na gaya ng paglaki ng bilang ng mga turistang Tsino sa Hapon. Umasa aniya siyang masasamantala ng dalawang bansa ang magandang tunguhin ito para magkasamang mabalangkas ang hinaharap ng relasyong Sino-Hapones.
Salin: Jade