Ipinahayag kahapon ni Ali Haida, Ministro ng Pambansang Rekonsilyasyon ng Syria na bago magsagawa ng aksyong militar ang Amerika laban sa ekstrimistang organisasyong Islamic State(ISIS) sa loob ng teritoryo ng Syria, dapat muna itong sang-ayunan ng pamahalaan ng Syria. Kung hindi, ito aniya'y ituturing na paglapastangan sa soberanya ng bansa.
Sinabi niyang magiging alerto ang Syria sa gagawing aksyong militar ng Amerika laban sa ISIS. Dahil, ito ay posibleng maging katuwiran ng mga bansang kanluranin upang makialam, sa armadong paraan, sa kasalukuyang krisis sa Syria, dagdag pa niya.
Nauna rito, ipinatalastas ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang nakatakdang pagsasagawa ng air raid sa mga target na ISIS sa Iraq at Syria.