|
||||||||
|
||
Nakapanayam kahapon ng China Radio International ang Ministro ng Turismo ng Maldives na si Ahmed Adeeb Abdul Ghafoor.
Sinabi niyang na ang Tsina ay nagsisilbi ngayong pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan para sa Maldives.
Idinagdag pa niyang ang turismo ay katumbas ng 1/3 ng GDP ng Maldives kaya pinahahalagahan ng Maldives ang pagdami ng mga turistang Tsino. Isinusulong aniya ng kanyang bansa ang imprastruktura at serbisyo para sa parami nang paraming turistang Tsino.
Kaugnay ng mungkahi ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo, ipinahayag ni Ministro Adeeb ang pagkatig sa mungkahing ito ng kanyang bansa. Ipinahayag din niya ang paniniwala na gaganap ang Maldives ng mahalagang papel hinggil dito dahil sa lokasyong heograpikal ng bansa.
Kahapon ng hapon, dumating ng Male, kabisera ng Maldives si Pangulong Xi Jinping para sa opisyal na pagdalaw sa bansang ito. Ito ang kauna-unahang pagbisita sa Maldives ng isang puno ng estado ng Tsina nitong 42 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |