Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Pranab Mukherjee ng India
Sa pakikipag-usap kahapon sa New Delhi kay Pangulong Pranab Mukherjee ng India, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nagkaroon ng pangmatagalang mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at India sa kasaysayan. Naranasan din aniya ang paglalim ng damdaming pangkaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya pa, bilang dalawang malaking emerging economies sa daigdig, kapuwa isinasabalikat ng dalawang bansa ang tungkulin sa pagsasakatuparan ng kasiglaang pambansa at pangangalaga sa multi-polarisasyon ng daigdig. Aniya pa, ang pagpapasulong ng relasyong Sino-Indian ay may mahalagang estratehikong katuturan sa Asya at daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng India para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa isang tumpak at malusog na direksyon. Dagdag ni Xi, ang pagsulong na ito ay dapat nakabatay sa pagpapahigpit ng pragmatikong pagtutulungan, pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan at maayos na paglutas sa mga isyung di-pa nalulutas.
Ipinahayag naman ni Mukherjee na nakahanda ang India na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina, pahalagahan ang mga masusing isyu, maayos na hawakan ang mga isyung di-pa nalulutas, para magkasamang maitatag ang estratehikong partnership ng dalawang bansa na makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Pagkaraan ng pag-usap, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa bangketeng panalubong.