Sa isang resolusyong pinagtibay kahapon sa pangkagipitang pulong ng UN Security Council hinggil sa epidemiya ng Ebola sa Western Africa, nanawagan ito sa mga kasaping bansa ng UN na bigyang tulong ang mga bansang Aprikano na gaya ng Guinea, Sierra Leone, Liberia at Nigeria na kasalukuyang apektado ng Ebola. Anito, kung hindi mapipigil ang pagkalat ng nasabing epidemiya, posibleng maganap ang mas malubhang kalagayan na magdadawit sa pulitika at seguridad sa rehiyong ito.
Kabilang mga masusing pangangailan sa mga purok ng kalamidad ay vaccine, medical care, quarantine, mga gagamitang pang-araw-araw at iba pa. Pinasalamatan din sa pulong ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pagsisikap mula sa mga bansang kinabibilangan ng Tsina, Cuba, Canada.