Nanawagan kahapon si Margaret Chan, Pangkalahatang Direktor ng World Health Organization (WHO), sa komunidad ng daigdig na tulungan ang pagharap ng mga bansang Aprikano sa epidemiya ng Ebola virus.
Pagkatapos mag-ulat sa United Nations hinggil sa kalagayan ng epidemiya ng Ebola virus, sinabi ni Chen na ang epidemiyang ito ay nagbabanta sa kaligtasan ng buong daigdig.
Bukod dito, sinabi niya na tatalakayin ng WHO ang hinggil sa paraan ng paglutas sa Ebola virus.
Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1500 ang nasawi sa naturang virus sa Guinea, Liberia, at Sierra Leone.
Salin: Ernest