Nag-usap ngayong araw sa Beijing sina Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pulong ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at Valentina Matviyenko, Ispiker ng Federation Council ng Rusya (FCR). At magkasamang nangulo sila sa Ika-8 Pulong ng NPC at FCR.
Sinabi ni Zhang na kung matatandaan, sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na palawakin ang pagkatig at pagbukas sa isa't isa para magkasamang harapin ang hamon at krisis na panlabas upang maisakatuparan ang kani-kanilang pag-ahon. Ito aniya ay nagpapakita ng matatag na atityud ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Ruso sa bagong situwasyon. Samantala, ito rin ang nagsisilbing simulain ng pagsasagawa ng kooperasyon ng Tsina at Rusya sa hinaharap.
Sinabi naman ni Matviyenko na nasa pinakamataas na lebel na ang relasyong Sino-Ruso, walang humpay na nadagdagan ang kanilang kooperasyon, pinayaman ang porma ng pagtutulungan, at pinalawak ang bunga ng kanilang pagririlungan. Nakahanda aniya ang kanyang council na samantalahin ang pagkakataon ng paglagda ng bagong karta ng pagtutulungan para makalikha ng bagong kalagayan.
Pagkaraan ng pag-uusap, nilagdaan ang dalawang lider ang Karta ng dalawang council.
Salin: Andrea