Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Alexander Medvedev, Punong Ministro ng Rusya, na umabot na ngayon ang relasyong Sino-Ruso sa walang kapantay na lebel. Ito ay ipinakikita hindi lamang sa lawak ng saklaw ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Rusya, kundi sa kasalukuyang lebel ng relasyon ng dalawang bansa.
Winika ito ni Medvedev sa online communication sa mga netizens ng Xinhua News Agency.
Sinabi ni Medvedev na ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa ay komprehensibong estratehikong partnership, at ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan ay halos umabot sa 100 bilyong dolyares.
Isinasagawa rin ngayon ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng enerhiya, kultura, at iba pa. Walang humpay na idinaraos ng dalawang bansa ang mga malakihang aktibidad. Ani Medvedev, "Hindi napapantayan ang ganito kataas na relasyon ng dalawang bansa. Magandang bagay ito dahil magkapitbansa tayo."
Salin: Andrea