Napag-alaman ng mga mamamahayag mula sa The 1st Greater Mekong Sub-region Drug Enforcement Conference(GMSDEC), na idinaos kahapon sa Beijing na magkasamang itatayo ang isang anti-drug mechanism ng 6 na bansa sa GMS na kinabibilangan ng Cambodia, China, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Kabilang dito ay paglilipat ng impormasyon, pag-iimbestiga sa kaso, pagsasanay at iba pa.
Sinabi sa pulong ni Liu Yuejin, Puno ng Awtoridad ng Tsina laban sa Droga na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga may-kinalamang panig para isulong ang kanilang pangmatagalang pagtutulungan sa pakikibaka laban sa droga, upang pangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.