Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isinasagawang pagsakop ng mga tao sa daan at pagbara sa daloy ng transportasyon sa HongKong, pagpigil sa law enforcement ng Kapulisan, at pagsira sa kaayusang panlipunan ay mga aksyong totohanang paglabag sa batas. Buong tatag na sinuportahan aniya ng pamahalaang sentral ang HKSAR government na isagawa ang hakbang para pangalagaan ang katarungan at kaayusan sa HK.
Sinabi ni Hua na ilang indibiduwal at puwersang dayuhan ay nagtatangkang makialam sa mga suliranin at pag-unlad ng HK, at nagbibigay-suporta sa mga ilegal na aktibidad na gaya ng "Occupy Central." Aniya, paulit-ulit na ipinakikita ng Tsina ang solemnang paninindigan hinggil dito: ang isyu ng HK ay nagsisilbing mga suliraning panloob ng Tsina, at tinututulan nito ang pakikialam ng anumang puwersang dayuhan sa anumang paraan.