Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas ng limang samahang komersyal sa Hongkong, ipinahayag nitong ang 3 linggong ilegal na "Occupy Central" ay hindi lamang nakakapinsala sa kabuahyan ng HK, kundi maging sa kaayusang panlipunan.
Hinimok din nito ang mga demonstrador na umurong mula sa Mongkok, isauli ang lansangan sa mga taga-Hongkong, at bigyang-suporta ang Kapulisan sa pagpatupad nito ng tungkulin.. Ito anito'y makakatulong sa pangangalaga sa kaayusan ng HK.
Ang naturang limang samahan ay kinabibilangan ng HK General Chamber of Commerce, Chinese General Chamber of Commerce, Hongkong Chinese Importers' and Exporters' Association, Chinese Manufacturer's Association of HK, at Federation of HK Industries.