TINIYAK ni Police Sr. Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police na ipagpapatuloy ng kanilang mga mobile forces at public safety battalions ang paghahabol sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Sa isang panayam, sinabi ni Sr. Supt. Mayor na may pagtutulungan sila ng Armed Forces of the Philippines. Ipinaliwanag niyang ang mga kabilang sa Special Action Force ang siyang mamumuno sa paghahanap sa mga bandido sapagkat ang mga pulis sa iba't ibang bayan sa Sulu at mga kalapit pook ay may kanya-kanyang obligasyon.
OPERASYON LABAN SA ABU SAYYAF, TULOY NA. Sinabi ni Sr. Supt. Wilben Mayor, Chief ng Public Information Office ng Philippine National Police na tuloy na ang operasyon ng kanilang mobile forces tulad ng Special Action Force laban sa mga Abu Sayyaf. (Melo M. Acuna)
Higit umanong magtatagumpay ang kanilang kampanya sa tulong ng mga pamahalaang lokal sapagkat ang mga punonglalawigan at punongbayan ang naka-aalam ng pook at ng situwasyon.
Magugunitang may nalalabing 15 bihag ang mga Abu Sayyaf na nasa kanilang pangangala. Mayroong dalawang binihag may dalawang taon na ang nakalilipas.