Mahigit tatlong linggo na ang nakararaan, matapos maganap ang "Occupy Central" sa Hongkong. Isinapubliko kamakailan ng Kataas-taasang Hukuman ng HK ang "Occupy Central Ban," para pigilin ang pagsakop sa mga lansangan sa Mongkok.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ng Kapulisan ng HK ang nakatakdang pagpapadala ng puwersa para pangalagaan, alinsunod sa batas, ang kaayusan sa mga lugar na pinangyarihan ng demonstrasyon at kaligtasan ng mga tao. Binigyang-diin din ng Kapulisan na isasagawa nito ang katugong aksyon, kung magaganap ang anumang aktibidad na makakapinsala sa batas at katatagang panlipunan.