Ipinahayag ngayong araw ni Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR),na may puwersang panlabas na lumahok sa aksyon ng "Occupy Central" at isasaalang-alang nila kung isisiwalat o hindi ang katibayan nito sa angkop na panahon.
Winika ito ni Leung sa kanyang pakikipagtagpo sa mass media bago ang paglahok sa Pulong na Administratibo.
Tungkol sa diyalogo na isasagawa sa pagitan ng pamahalaan at mga kinatawan ng Hong Kong Federation of Students hinggil sa repormang pulitikal, ipinahayag ni Leung na nananalig siyang tatanggapin ng mga sibilyan ang nasabing diyalogo. Aniya, posibleng hindi malulutas ang lahat ng problema pagkaraan ng isang diyalogo, pero, ito ay isang magandang simula.
Aniya, ang HongKong ay isang lipunan na pinamamahalaan sa pamamagitan ng batas, pagdating ng repormang pulitikal, tutupad ito alinsunod sa saligang batas at desisyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina.
Salin: Andrea