Nakarating na kahapon ng umaga sa Monrovia, kabisera ng Liberia, ang mga pasilidad na medikal na ibinigay ng Tsina bilang tulong sa nasabing bansang Aprikano para maitayo ang sentrong medikal laban sa epidemiya ng Ebola.
Ang nasabing tulong ay bilang pagtupad sa pangako ng Tsina kamakailan na ipapadala ang ika-apat na batch ng tulong na nagkakahalaga ng 82 milyong US dollars, para sa mga bansa ng Kanlurang Aprikano na gaya ng Liberia, Sierra Leone, at Guinea na apektado ng Ebola. Sa gayon, aabot na sa 122 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng tulong ng Tsina para sa mga bansang Aprikano sa pakikibaka laban sa virus na ito.
Dalawa pang eroplano na naglalaman ng tulong na pasilidad na medikal ang nakatakdang dumating samakalawa sa Liberia. Aabot sa 253 tolenada ang timbang ng mga pasilidad na kinabibilangan ng materyal pangkonstruksyon, kagamitang medikal at gamot para maitayo ang sentrong medikal.
Salin: Jade