Binuksan kamakailan sa Pakse, punong lunsod nglalawigang Champasak ng Laos unang perya ng bansa sa kape.
Ayon kay Bounthong Deevixay, Gobernador ng nasabing lalawigan, ang layunin ng perya ay para mapasulong ang pagpasok ng kape ng Laos sa pamilihang pandaigdig.
Ito rin aniya ay para matupad ang estratehiyang pang-kape ng Laos bago mag-2025.
Ang pangunahing taniman ng kape ng Laos ay matatagpuan sa Bolaven Plateau sa katimugan ng bansa. Umaabot sa 77,220 hektarya ang taniman. Noong 2013, umabot sa 30,180 tolenada ang iniluwas na kape ng Laos na nagkakahalaga ng 70 milyong dolyares.
Salin: Jade