Isang insidente ng pag-atake sa mga mamamahayag ang naganap kamakalawa ng gabi, sa Tsim Sha Tsui, Hongkong. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ng Kapulisan ng HKSAR ang pagkondena sa mga ito.
Ipinahayag ng Kapulisan na hindi nito matatanggap ang anumang marahas na aksyon, at agaran nilang isasagawa ang mga katugong hakbang, batay sa batas.
Ipinahayag din nito ang pag-asang itatakwil ng mga demonstrador ang ilegal na "Occupy Central" na tumatagal na ng 4 na linggo sa Mangkok, para panumbalikin ang kaayusang panlipunan, sa lalong madaling panahon.