Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Tran Dai Quang, Ministro ng Pampubikong Seguridad ng Vietnam, ipinahayag ni Meng Jianzhu, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) na bilang mapagkaibigang magkapitbansa at sosyalistang magkatuwang, ang pagpapalalim ng pagtutulungan ng Tsina at Vietnam sa larangang panseguridad ay may mahalagang katuturan. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng Tsina at Vietnam ang pagtutulungang panseguridad at pagpapatupad sa batas upang maprotektahan ang mga organo at tauhan ng mgakabilang panig na nasa kanilang mga bansa, at gagawin ang mas maraming bagay na makakatulong sa pangangalaga sa seguridad, katatagan, at kaunlaran ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Tran Dai Quang na nakahanda ang Vietnam na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.