Nagkaloob kahapon ang Tsina sa Senegal ng mga kagamitang pamlaban sa Ebola virus. Kabilang sa mga ito ang mga uniporme at kagamitang medikal. Ang naturang mga bagay ay nagkakahalaga ng 5 milyong yuan RMB o halos 818,000 Dolyares.
Sa seremonya ng pagkakaloob, ipinahayg ni Xia Huang, Embahador Tsino, na sapul noong Abril ng taong ito, nagkaloob na ang Tsina ng 4 na batch ng materyal na tulong sa mga bansang Aprikano na apektado ng Ebola virus, at nagpadala rin ang Tsina ng halos 200 tauhang medikal para rito.
Sinabi pa niya, patuloy na makikipagtulungan ang kanyang bansa sa Senegal upang labanan ang epidemiya ng Ebola virus.
Pinasalamatan naman ni Awa Marie Coll Seck, Ministro ng Kalusugan ng Senegal, ang mga tulong ng Tsina, hindi lamang sa paglaban sa Ebola virus, kundi maging sa pag-unlad ng usaping pangkalusugan ng Senegal.