Ipinahayag kahapon ng Kapulisan ng Hongkong na noong araw, ang "Occupy Central" ng mga demonstrador na kinabibilangan ng mga estudyante ay sinuportahan ng mga tagapag-organisa; pero, sa kasalukuyan, nais di-umanong umurong ng mga tagapag-organisa mula sa aksyong ito. Sa kabila nito, hindi pa rin itinitigil ng mga demonstrador ang kanilang mga aktibidad. Hinihimok din ng Kapulisan ang mga tagapag-organisa na isagawa ang responsableng hakbang para matapos ang ilegal na pagsakop sa lansangan at mapangalagaan ang katatagan at katarungan ng lipunan.
Samantala, ipinahayag kahapon ng Kataas-taasang Puno ng HKSAR, na kung masasamantala ang pagkakataon sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng HK, maisasakatuparan ang pangarap ng batang henerasyon sa HK.