|
||||||||
|
||
Isang pagsabog ang naganap kagabi sa Lahore, kalunsuran sa silangan ng Pakistan. Ikinamatay ito ng 55 kataong kinabibilangan ng 3 security guard, 7 kabataan at 11 kababaihan. Ikinasugat din ito ng 118 iba pa: 20 sa mga ito ay nasa malubhang kondisyon. Pagkaraang maganap ang nasabing pangyayari, tatlong armadong organisasyon ang umako ng responsibilidad sa mga ito. Samantala, kinondena ng Pangulo at Punong Ministro ng Pakistan ang naturang teroristikong pag-atake.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |