Natapos kahapon ang signature campaign na itinaguyod ng Alyansang Pangkapayapaan at Demokrasiya, anti-Occupy Group ng Hongkong. Lumampas sa 1.8 milyon ang bilang ng mga kalahok sa naturang aktibidad.
Isinumite rin kahapon ng nasabing alyansa ang nakalap na mga pirma sa mga may-kinalamang departamento ng pamahalaan ng HKSAR.
Samantala, tinukoy ni Robert Chow Yung, Tagapagsalita ng naturang alyansa na ang signature campaign ay nagpapakita ng komong mithiin ng mga taga-HK sa pagsasauli ng lansangan sa mga taga-HK, pangangalaga sa katarungan at pagpapanumbalik ng kaayusan ng lipunan.