Sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar—Nakatakdang idaos ang isang serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya mula ika-12 hanggang ika-13 ng buwang ito. Ang tema ng nasabing serye ng mga pulong ay "Magbubuklod para sa mapayapa at masaganang komunidad." Lalahok sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag, ipinahayag ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na kung magbubuklod ang Tsina at ASEAN sa ilalim ng "2+7 Cooperation Framework" sa darating na 10 taon, nananalig siyang magiging mas malawak ang landas ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Nang sariwain ang kasalukuyang proseso ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, dagdag pa ni Yang na nitong nakalipas na 23 taon sapul nang itatag ang relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN, binuo ng kapuwa panig ang kayariang pangkooperasyon na may kompletong mekanismo, malawakang larangan, malalimang nilalaman at masaganang bunga. Ito aniya ay hindi lamang nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa, kundi nangangalaga rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera