|
||||||||
|
||
MAGPAPADALA ng mga kagamitang medikal ang Pilipinas upang suportahan ang pandaigdigang pagtatangkang mapigil ang pagkalat ng Ebola sa Kanlurang Africa.
Ito ang binanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang pakikipagbalitaan sa mga mamamahayag kagabi mula sa Maynila na dumalaw sa Beijing para sa APEC Summit Leaders Conference.
Malubha umano ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanlurang Africa at nagpapadala ang America, Japan, Tsina ng mga tauhan upang tumulong. Ang Pilipinas ay magpapadala na lamang ng medical kits, medical supplies at iba pa.
Ang mga pinuno ng iba't ibang bansang dumalo sa APEC Summit ay nangakong tutulong upang masugpo ang pandemic diseases, terorismo, natural disasters, climate change at iba pang hamon ayon sa Paragraph 45 ng 22nd APEC Economic Leaders' Declaration.
Nabanggit din ang Severe Acute Respiratory Syndrome at Middle East Respiratory Syndrome at nag-iisip ng mga paraan upang masugpo ang epidemyang dulot nito.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na tinitiyak nila na maayos ang proseso ng Bureau of Immigration and Deportation ang screening. Mananawagan din sa publiko nab aka may mga taong may karamdamang ganito na maglalagay sa madla sa panganib.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |