Nagpalabas kahapon ng Pahayag ng Tagapangulo ang ika-17 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN, kung saan winewelkam ang pagkakaroon kamakailan ng 4 na komong palagay ng Tsina't Hapon.
Anang pahayag, lubos na nauunawaan ito ang palagay ng panig Tsino, gaya ng tumpak na pakikitungo sa mga isyung pangkasaysayan na may mahalagang katuturan para sa pagpapabuti ng relasyon ng mga kinauukulang bansa, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Nanawagan ang pahayag na lutasin ang mga alitan sa teritoryo sa mapayapang paraan, sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan.
Noong ika-7 ng kasalukuyang buwan, narating sa Beijing ng panig Tsino't Hapones ang apat na komong palagay hinggil sa paghawak at pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa. Binigyan ng komunidad ng daigdig ng positibong pagtasa ang naturang mga komong palagay. Ipinalalagay nitong ang pagpapaunlad ng pangmatagalan, malusog at matatag na relasyong Sino-Hapones ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Kabilang sa nabanggit na apat na komong palagay ang: patuloy na pagsunod sa mga prinsipyo at diwa ng apat na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon; ika-2, pag-aalis sa mga pulitikal na hadlang na nakakaapekto sa relasyon ng dalawang bansa; ika-3, pagtatatag ng mekanismo ng pagkontrol sa mga hidwaan sa dagat; at ika-4, unti-unting pagpapanumbalik sa mga diyalogo sa pulitika, diplomasya, at seguridad.
Salin: Vera