Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ASEAN nagpapalalim ng pagtutulungan sa Diamond Decade: premyer Tsino

(GMT+08:00) 2014-11-14 08:30:25       CRI

NAY PYI TAW, Myanmar—Idinaos kahapon ang Ika-17 Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN. Magkasamang nangulo sa pulong sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Thein Sein ng Myanmar, bansang tagapangulo ng ASEAN.

Sinabi ni Premyer Li na makaraang maranasan ang Tsina at ASEAN sa pagtutulungan sa Golden Decade mula 2003 hanggang 2013, pumapasok na at lalalim pa ang kooperasyon ng dalawang panig sa susunod na Diamond Decade. Upang mapahigpit ang pagtutulungang Sino-ASEAN, iniharap ni Premyer Li ang anim na sumusunod na mungkahi. Una, magkasamang balangkasin nila ang estratehiya ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN at simulang itakda, sa lalong madaling panahon ang ikatlong plan of action (2016-2020) ng Magkasamang Deklarasyon sa Estratehikong Partnership na Pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN na Nakatuon sa Kapayapaan at Kasaganaan. Ikalawa, magkasamang i-upgrade ang Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN (CAFTA). Magsisikap ang dalawang panig para makumpleto ang talastasan hinggil sa pag-a-upgrade ng CAFTA sa 2015. Ikatlo, pabilisin ang konektibidad sa imprastruktura ng Tsina at ASEAN. Ikaapat, makalikha ng bagong pagtutulungang pandagat, itakda ang taong 2015 bilang Taon ng Pagtutulungang Pandagat ng Tsina at ASEAN, pahigpitin ang diyalogo at kooperasyon sa pagitan ng mga organong pandagat sa law enforcement at itatag ang Sentro ng Pagtutulungang Pandagat. Kasabay nito, magkasamang gamitin ang China-ASEAN Maritime Cooperation Fund. Ikalima, magkasamang itaguyod ang Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at ASEAN at talakayin ang posibilidad ng pagtatatag ng hotline hinggil sa mga isyung pandepensa. Ikaanim, galugarin ang bagong larangan ng pagtutulungan sa kultura, edukasyon, pagpapahupa ng kahirapan, pananaliksik at pagdedebelop (R&D), panganalaga sa kapaligiran, at pagsasanay sa mga tauhan ng kalusugang pampubliko. Kaugnay ng pagpapahupa ng karalitaan, sa taong 2015, magbibigay ang Tsina ng tatlong (3) bilyong Yuan o 500 milyong dolyares na walang bayad na tulong na pinansyal sa least developed countries ng ASEAN.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>