Pinagtibay kamakalawa ng Pamahalaang Hapones ang written plea tungkol sa isyu ng Diaoyu Islands at Yasukuni Shrine. Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula sinaunang panahon, ang Diaoyu Islands at mga pulo sa paligid nito, ay likas na teritoryo ng Tsina, at mayroong di-mapapabulaanang soberanya ang panig Tsino sa nasabing karagatan.
Aniya, matatag ang determinasyon at mithiin ang Pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa teritoryo at soberanya ng bansa. Hinihiling ng panig Tsino sa panig Hapones na itigil ang lahat ng aksyon at pananalita na nakakapinsala sa teritoryo at soberanya ng Tsina, at tumpak na pakitunguhan at malalim na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan nito, dagdag pa ni Hong.
Salin: Li Feng