MOSCOW, Rusya—Inilunsad kaninang madaling araw (local time) ang isang manned spacecraft patungong International Space Station (ISS).
Nakasakay sa Soyuz TMA- 15M spaceship sina Anton Shkaplerov, cosmonaut na Ruso, Terry Virts, astronaut ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika, at Samantha Cristoforetti, Astronaut ng European Space Agency (ESA), kasama ang isang 20 kilo na space coffee maker.
Pagkaraan ng halos 6 oras na paglipad, ang spacecraft ay nakatakdang makipag-dock sa ISS alas 5:50 (Moscow time) o 10:50 (Beijing/Manila time) ngayong umaga.
Mananatili ng 169 araw sa ISS ang nasabing tatlong astronaut at magsasagawa sila ng iba't ibang eksperimentong pansiyensiya. Kasalukuyan namang nagtatrabaho sa ISS ay sina Russian cosmonaut Alexander Samokutyayev at Yelena Serova, at NASA spaceman Barry Wilmore.
Salin: Jade