GENEVA, Switzerland—Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan nito, narating ng 160 miyembro ng World Trade Organization (WTO) ang pandaigdig na kasunduan para sa pagpapaginhawa ng kalakalan.
Ang pagpapatibay sa nasabing kasunduan ay para matupad ang Bali Package Deal na narating ng mga miymebro ng WTO noong Disyembre, 2013 sa Indonesia. Sa pagtaya, isang trilyong dolyares kada taon ang ilalago ng pandaigdig na kabuhayan dahil sa kasunduang ito. Lilikha rin ito ng 21 milyong trabaho.
Bukod sa pagpapatibay sa nabanggit na tratado, napagkasunduan din ng mga miyembro ng WTO ang hinggil sa dalawa pang isyu na kinabibilangan ng food subsidies at stockpiling ng mga umuunlad na bansa, at desisyong balangkasin ang post-Bali work program bago Hulyo, 2015. Ito ay para malutas ang mga natitirang isyu ng Doha Development Agenda.
Salin: Jade