Sa kanyang talumpati sa isang espesyal na pulong ng General Council ng World Trade Organization (WTO), sinabi kahapon ni Roberto Carvalho de Azevêdo, bagong halal na Direktor-Heneral ng WTO, na kasabay ng pagbabago ng pandaigdigang kayariang pangkabuhayan, patuloy na lumalaki ang kahalagahan ng nasabing organisasyon. Samantala, ipinangako niyang pasusulungin ang talastasan ng multilateral na kalakalan.
Binigyang-diin din niyang ang sistema ng multilateral na kalakalan ay nananatili pa ring pinakamainam na paraan sa pagpigil sa proteksyonismong pangkalakalan, at ito rin ang pinakamalakas na puwersa sa pagpapasulong ng paglaki, pag-ahon, at pag-unlad.
Salin: Li Feng