KUALA LUMPUR—Mahigit dalawampung (20) alagad ng sining mula sa Beijing ang dumating kamakailan sa Kuala Lumpur (KL), Malaysia para itanghal sa mga mamamayang lokal ang hinggil sa intangible na pamanang pangkultura ng Beijing.
Ito ay isang aktibidad para ipagdiwang ang 2014 China-ASEAN Culture Exchange Year.
Bukod sa palabas ng sining, mayroon ding eksibisyon ng mga larawang nagtatampok sa kultura ng Beijing sa nasabing aktibidad. Sinabi ni Deng Shaohui, Pangalawang Presidente ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC), na ang layunin ng aktibidad na ito ay para mapasulong ang pagpapalitang pangkultura ng Beijing at KL at mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Malaysia.
Ang nasabing aktibidad ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng CPAFFC, sangay nito sa Beijing at counterpart nito ng Malaysia.
Salin: Jade