BAISE, Tsina—Ipinahayag ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kahandaang alisin ang non-tariff barriers sa kanilang pagtutulungang pang-agrikultura.
Ginawa ng Tsina at ASEAN ang nasabing desisyon sa Ika-7 China-ASEAN (Baise) Modern Agriculture Exhibition na idinaos mula ika-28 hanggang ika-30 ng Nobyembre sa Tinayang County, Baise, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ayon sa ng mga kalahok mula sa Tsina at ASEAN, kabilang sa mga non-tariff barriers ay ang komplikadong prosidyur sa adwana at transportasyon.
Nanawagan din ang mga kalahok para sa pagpapahigpit ng pagtutulungang panteknolohiya ng Tsina at ASEAN sa larangan ng agrikultura.
Salin: Jade