Ipinahayag kahapon sa Brussels ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization(NATO), na isasagawa ng NATO ang isang aksyong di-pangmilitar sa Afghanistan mula unang araw ng Enero, 2015. Ang code name nito ay "Buong Tatag na Pagkatig" na may layong magbigay ng tulong at pagsasanay sa mga tropang panseguridad ng nasabing bansa.
Sinabi ni Stoltenberg na matapos nitong idaos ang summit sa Britanya, noong nagdaang Setyembre, sinang-ayunan ng NATO ang pag-urong ng mga tropa mula sa Afghanistan, bago katapusan ng kasalukuyang taon. Ito ay para sa bagong pahina ng partnership ng dalawang panig sa hinaharap, dagdag pa niya.