|
||||||||
|
||
Nagpahayag kahapon ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Unyong Europeo (EU) ng pagpapahigpit ng kooperasyon para harapin ang mga hamon na kinabibilangan ng krisis sa Ukraine at banta ng terorismo.
Nagtagpo kahapon sa Brussels sina Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng NATO, at Donald Franciszek Tusk, Presidente ng Konseho ng EU.
Sa news briefing pagkatapos ng pagtatagpo, sinabi ni Stoltenberg na dahil sa pagharap sa mga hamon na gaya ng krisis sa Ukraine at banta ng terorismo, may pangangailangan ang dalawang panig na pahigpitin ang kooperasyong pandepensa.
Kaugnay ng isyu ng krisis sa Ukraine, kinondena niya ang mga aksyon ng Rusya na nakapinsala sa katatagan ng Ukraine at kalagayang panseguridad ng rehiyong ito.
Nanawagan din sila ni Tusk sa Rusya na igalang ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Ukraine at isakatuparan ang Minsk Agreement.
Kaugnay ng isyu ng terorismo, ipinahayag ni Tusk na ganap na kinakatigan ng EU ang pagbibigay-dagok sa Islamic State.
Dagdag pa niya, buong sikap ding mapapawi ng EU ang pinagmumulan ng terorismo sa rehiyong ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |