Ipinahayag kahapon sa Kuala Lumpur ni Sri Ong Ka Ting, Espesyal na Sugo ng Punong Ministro ng Malaysia na positibo ang kanyang bansa sa mungkahing iniharap ni Pangluong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa muling pagtatatag ng "Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo."
Sinabi niyang nitong sa loob ng anim na taong nakalipas, ang Malaysia ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina sa rehiyon ng ASEAN. Aniya, umabot sa 106 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa, noong nagdaang 2013. Umaasa aniya siyang patuloy na pahihigpitin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Malaysia para pabutihin ang kani-kanilang kapaligirang pampamumuhunan, at pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan.