Sinabi kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na ang diyalogo at talastasan ay tanging tumpak na paraan sa paglutas ng isyung nuklear ng Iran. At nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng iba't ibang panig para makapagbigay ng ambag sa pinal na paglutas ng isyung ito.
Idinaos nang araw ring iyon ng UN Security Council ang pulong at narinig ang ulat na may kinalaman sa pagpapataw ng sansyon sa Iran. At sa kanyang talumpati, sinabi ni Liu na napakabihira ng kasalukuyang aktibo at positibong kalagayan ng pagtalastasan, at sa susunod na yugto, ang pinakaimportanteng pangyayari ay paggiit ng komong palagay, hakbang-hakbang na magsikap para marating ang isang pantay-pantay at komprehensibong kasunduang tutupad sa win-win situation.