VIENNA, Austria--Nagpalabas kahapon ng Magkasanib na Pahayag ang anim na bansa na kinabibilangan ng Tsina, Britanya, Pransiya, Alemanya, Rusya at Estados Unidos, kasama ang Iran, kung saan nagpasiya silang pahabahin ng pitong buwan ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2015.
Ayon sa pahayag, ginawa ng nasabing mga bansa ang nabanggit na desisyon para may sapat na panahon na marating ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Ayon pa rin sa pahayag, nagpaplano ang nasabing pitong bansa na tapusin ang talastasan sa loob ng apat na buwan at pagkatapos, kukumpletuhin ang mga posibleng maiwang isyung panteknolohiya at pagbalangkas ng burador ng komprehensibong kasunduan.
Batay sa isang pansamantalang kasunduan na narating ng anim na bansa at Iran noong Nobyembre, 2013, sinuspinde ng Iran ang ilang sensitibong aktibidad na nuklear samantalang pinahupa ng mga bansang Kanluranin ang sangsyon laban sa Iran. Bukod dito, magkasamang nagsisikap sila para malutas ang isyung nuklear ng Iran.
Salin: Jade