Bumigkas kahapon ng talumpati si Raul Castro, Pangulo ng Konseho ng Estado at Pangulo ng Konseho ng mga Ministro ng Cuba, kung saan binigyang-diing igigiit ng Cuba ang pagtahak sa sosyalistang landas.
Nang mabanggit ang pagsisimula ng Cuba at Estados Unidos ng proseso ng normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa, sinabi ni Castro na umaasang igagalang ng Amerika ang pagpili ng Cuba. Aniya, kahit may kalakihang pagkakaiba ang Cuba at Amerika, nakahanda ang kanyang bansa na isagawa ang diyalogo sa Amerika tungkol sa anumang paksa.
Salin: Vera