Dumating kahapon sa Sierra Leone ang pangalawang grupong Tsino na binubuo ng mga dalubhasang medical. Samantala, nagpadala rin ang Tsina ng mga dalubhsang medikal sa mga bansang Aprikano, na gaya ng Liberia, Guinea, Mali, Ghana, at Guinea-Bissau para tulungan sila sa paglaban sa Ebola.
Ipinahayag naman kamakalawa sa Bamako ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na kahit nakontrol na sa Mali ang epidemya ng Ebola, hinaharap pa rin sa lokalidad ang bantang mula sa Ebola Virus. Dapat pahigpitin aniya ng mga bansa sa kanlurang Aprika ang pagpigil at paggamot sa epidemiyang ito.