Sa Conakry, kabisera ng Guinea—Sinabi dito kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng UN na ikinababahala ang kalagayan ng epidemiya ng Ebola sa Guniea. Nanawagan siyang palakasin ang transnasyonal na kooperasyon para makontrol ang epidemiyang ito.
Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Ban sa Guniea pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng Ebola sa bansang ito noong unang dako ng taong ito.
Aniya, patuloy na kakatigan ng UN ang paglaban ng Guniea sa Ebola, "hanggang ganap na pagpapawi ng epidemiya."
Salin: Vera