Nilagdaan kahapon ng People's Bank of China o PBC, Bangko Sentral ng bansa, at Bangko Sentral ng Thailand ang memorandum sa kooperasyon hinggil sa RMB clearing settlement, para itakda ang pagsasagawa ng RMB clearing settlement sa Bangkok.
Nilagdaan din ang PBC at Bank of Thailand o BOT ang bilateral na currency swap agreement. Nagkakahalaga ito ng 70 bilyong Yuan RMB o 370 bilyong Thai Baht. Tatagal ang mga kasunduan ng 3 taon.
Ayon sa may kinalamang tauhan, nangangahulugan itong tumahak ang kooperasyong pinasyal ng Tsina at Thailand sa bagong hakbang. At ito ay nakakabuti sa paggamit ng mga bahay-kalakal at organong pinansyal ng Tsina at Thailand ng RMB sa trans-territory na negosyo.
Salin: Andrea