Ipinahayag kamakailan ni Nazri Abdul Aziz, Ministro ng Turismo at Kultura ng Malaysia, na iniharap niya kay Punong Ministro Najib Tun Razak ang mungkahi hinggil sa pagkakaroon ng libreng visa ng mga turistang Tsino at pagpapadali ng procedyur ng pagpasok sa Malaysia.
Isinalaysay ni Aziz na ang target ng kanyang bansa ay makahikayat ng 29.4 milyong turista sa taong 2015, at ang mga turistang Tsino ay ang pangunahing target. Aniya, upang makahikayat ng mas maraming manlalakbay na Tsino, dapat magkaloob ng ginhawa sa kanila, at ang pag-aalis ng visa fee ay isa sa mga hakbangin.
Salin: Vera