Ipinahayag kahapon ni Wu Xinxiong, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Enerhiya ng Tsina, na sa taong 2015, isasagawa nito ang 7 mahahalagang hakbangin para pasulungin ang reporma sa pagpoprodyus at konsumo sa enerhiya. Buong sikap din aniyang itatatag ang modernong sistema ng enerhiya na ligtas, matatag, depersipikado at malinis.
Ayon sa kanya, ang naturang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagtatakda ng isang pangmatagalang plano, pagpapataas ng episiyensiya ng paggamit ng enerhiya, pagbabawas ng emisyon, paggamit ng mga malinis na uri ng enerhiya, pagpapasulong ng pag-unlad ng teknolohiya, pagsasagawa ng reporma sa presyo ng enerhiya, at paggarantiya ng seguridad ng enerhiya.