Sinabi kahapon ni Ammar al-Assad, Manbabatas ng Parliamento ng Syria na sumasailalim na sa pagkontrol ng tropang pampamahalaan ang karamihan ng mga rehiyon sa silangang kanugnog ng Damascus, kabisera ng Syria.
Nang kapanayamin ng mamamahayag nang araw ring iyon, sinabi ni Ammar al-Assad na umurong na ang maraming armadong tauhan ng paksyong oposisyon at ekstrimistikong organisasyon mula sa rehiyon ng Jobar sa silangang Damascus patungong Eastern al-Ghouta Suburb. Aniya, sa kasalukuyan, umuunlad ang kalagayan ng rehiyong ito tungo sa direksyong makakabuti sa tropang pampamahalaan.
Salin: Vera